Tafsir Al-Mukhtasar
يَـٰبَنِىٓ إِسْرَٰٓءِيلَ ٱذْكُرُوا۟ نِعْمَتِىَ ٱلَّتِىٓ أَنْعَمْتُ عَلَيْكُمْ وَأَوْفُوا۟ بِعَهْدِىٓ أُوفِ بِعَهْدِكُمْ وَإِيَّـٰىَ فَٱرْهَبُونِ ﴿٤٠﴾
O mga anak ng propeta ni Allāh na si Jacob, magsaalaala kayo sa mga biyaya ni Allāh na nagkakasunud-sunuran sa inyo at magpasalamat kayo sa mga iyon. Manatili kayo sa pagtupad sa kasunduan Ko sa inyo na pananampalataya sa Akin at sa mga sugo Ko at paggawa ayon sa mga batas Ko. Kaya kung tumupad kayo rito ay magpapatupad Ako sa kasunduan Ko para sa inyo kaugnay sa anumang ipinangako Ko sa inyo na kaaya-ayang buhay na pangmundo at magandang ganti sa Araw ng Pagbangon. Sa Akin lamang ay mangamba kayo at huwag kayong kumalas sa kasunduan sa Kanya.