Tafsir Al-Mukhtasar
ءَامَنَ ٱلرَّسُولُ بِمَآ أُنزِلَ إِلَيْهِ مِن رَّبِّهِۦ وَٱلْمُؤْمِنُونَ ۚ كُلٌّ ءَامَنَ بِٱللَّهِ وَمَلَـٰٓئِكَتِهِۦ وَكُتُبِهِۦ وَرُسُلِهِۦ لَا نُفَرِّقُ بَيْنَ أَحَدٍ مِّن رُّسُلِهِۦ ۚ وَقَالُوا۟ سَمِعْنَا وَأَطَعْنَا ۖ غُفْرَانَكَ رَبَّنَا وَإِلَيْكَ ٱلْمَصِيرُ ﴿٢٨٥﴾
Sumampalataya ang Sugong si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa lahat ng pinababa sa kanya mula sa Panginoon niya, at ang mga mananampalataya ay sumampalataya sa gayon. Lahat sila ay sama-samang sumampalataya kay Allāh, sumampalataya sa lahat ng mga anghel, sa lahat ng mga kasulatan Niyang pinababa Niya sa mga propeta, at sa lahat ng mga sugong isinugo Niya. Sumampalataya sila sa mga ito, na mga nagsasabi: "Hindi kami nagtatangi-tangi sa isa man sa mga sugo ni Allāh." Nagsabi pa sila: "Nakarinig kami ng ipinag-utos Mo sa amin at sinaway Mo sa amin. Tumalima kami sa Iyo sa pamamagitan ng paggawa sa ipinag-utos Mo at pag-iwan sa sinaway Mo. Humihiling kami sa Iyo na magpatawad Ka sa amin, O Panginoon namin, sapagkat tunay na ang babalikan namin ay tungo sa Iyo lamang sa lahat ng pumapatungkol sa amin."