×

البقرة

Ayah 260

Tafsir Al-Mukhtasar

وَإِذْ قَالَ إِبْرَٰهِـۧمُ رَبِّ أَرِنِى كَيْفَ تُحْىِ ٱلْمَوْتَىٰ ۖ قَالَ أَوَلَمْ تُؤْمِن ۖ قَالَ بَلَىٰ وَلَـٰكِن لِّيَطْمَئِنَّ قَلْبِى ۖ قَالَ فَخُذْ أَرْبَعَةً مِّنَ ٱلطَّيْرِ فَصُرْهُنَّ إِلَيْكَ ثُمَّ ٱجْعَلْ عَلَىٰ كُلِّ جَبَلٍ مِّنْهُنَّ جُزْءًا ثُمَّ ٱدْعُهُنَّ يَأْتِينَكَ سَعْيًا ۚ وَٱعْلَمْ أَنَّ ٱللَّهَ عَزِيزٌ حَكِيمٌ ﴿٢٦٠﴾

Banggitin mo, O Propeta, nang nagsabi si Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "O Panginoon ko ipakita Mo sa akin sa paningin ko kung papaano nangyayari ang pagbibigay-buhay sa mga patay?" Nagsabi rito si Allāh: "At hindi ka ba sumasampalataya sa bagay na ito?" Nagsabi si Abraham: "Opo, sumampalataya nga ako; subalit bilang karagdagan sa kapanatagan ng puso ko." Kaya nag-utos dito si Allāh at nagsabi rito: "Kumuha ka ng apat na ibon; kumalap ka sa mga ito sa iyo at pagputul-putulin mo. Pagkatapos maglagay ka sa bawat isa sa mga burol na nasa paligid mo ng isang bahagi mula sa mga ito. Pagkatapos tumawag ka sa mga ito, pupunta sa iyo ang mga ito nang agaran habang mga nagmamadali; nanumbalik nga sa mga ito ang buhay. Alamin mo, O Abraham, na si Allāh ay Makapangyarihan sa paghahari Niya, Marunong sa utos Niya, batas Niya, at paglikha Niya.