×

البقرة

Ayah 243

Tafsir Al-Mukhtasar

أَلَمْ تَرَ إِلَى ٱلَّذِينَ خَرَجُوا۟ مِن دِيَـٰرِهِمْ وَهُمْ أُلُوفٌ حَذَرَ ٱلْمَوْتِ فَقَالَ لَهُمُ ٱللَّهُ مُوتُوا۟ ثُمَّ أَحْيَـٰهُمْ ۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَذُو فَضْلٍ عَلَى ٱلنَّاسِ وَلَـٰكِنَّ أَكْثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَشْكُرُونَ ﴿٢٤٣﴾

Hindi ba nakaabot sa kaalaman mo, O Propeta, ang balita sa mga lumisan mula sa mga bahay nila habang sila ay pagkadami-dami dala ng pangamba sa kamatayan dahilan sa epidemya o iba pa rito? Sila ay isang pangkat kabilang sa mga anak ni Israel. Nagsabi sa kanila si Allāh: "Mamatay kayo," at namatay naman sila. Pagkatapos nagpanumbalik Siya sa kanila sa pagiging mga buhay upang maglinaw Siya sa kanila na ang kapakanan sa kabuuan nito ay nasa kamay Niya – kaluwalhatian sa Kanya – at na sila ay hindi nakapagdudulot para sa mga sarili nila ng pakinabang ni pinsala. Tunay na si Allāh ay talagang may bigay at kabutihang-loob sa mga tao subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nagpapasalamat kay Allāh sa mga biyaya Niya.