Tafsir Al-Mukhtasar
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ ٱدْخُلُوا۟ فِى ٱلسِّلْمِ كَآفَّةً وَلَا تَتَّبِعُوا۟ خُطُوَٰتِ ٱلشَّيْطَـٰنِ ۚ إِنَّهُۥ لَكُمْ عَدُوٌّ مُّبِينٌ ﴿٢٠٨﴾
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, magsipasok kayo sa Islām sa kalahatan nito. Huwag kayong mag-iwan mula rito ng anuman gaya ng ginagawa ng mga May Kasulatan na pananampalataya sa isang bahagi ng Kasulatan at kawalang-pananampalataya sa ibang bahagi nito. Huwag kayong sumunod sa mga tinatahak ng demonyo dahil siya para sa inyo ay isang kaaway na maliwanag ang pangangaway at naglalantad nito.