Tafsir Al-Mukhtasar
وَٱذْكُرُوا۟ ٱللَّهَ فِىٓ أَيَّامٍ مَّعْدُودَٰتٍ ۚ فَمَن تَعَجَّلَ فِى يَوْمَيْنِ فَلَآ إِثْمَ عَلَيْهِ وَمَن تَأَخَّرَ فَلَآ إِثْمَ عَلَيْهِ ۚ لِمَنِ ٱتَّقَىٰ ۗ وَٱتَّقُوا۟ ٱللَّهَ وَٱعْلَمُوٓا۟ أَنَّكُمْ إِلَيْهِ تُحْشَرُونَ ﴿٢٠٣﴾
Mag-aalaala kayo kay Allāh sa pamamagitan ng takbīr (pagsabi ng Allāhu akbar) at tahlīl (pagsabi ng lā ilāha illa-llāh) sa iilang araw: ang ika-11, ang ika-12, at ang ika-13 ng Dhulḥijjah. Ngunit ang sinumang nagmadali at lumabas ng Minā matapos ng pagbato sa ika-12 araw ay nasa kanya na iyon at walang kasalanan sa kanya dahil si Allāh ay nagpagaan sa kanya. Ang sinumang naantala hanggang sa ika-13 hanggang sa bumato siya ay nasa kanya na iyon at walang maisisisi sa kanya. Gumawa nga siya ng pinakalubos at sumunod siya sa gawa ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Ang lahat ng iyon ay ukol sa sinumang nangilag magkasala kay Allāh sa ḥajj niya sapagkat nagsagawa siya ng gaya sa ipinag-utos ni Allāh. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Pakatiyakin ninyo na kayo ay tungo sa Kanya lamang babalik at hahantong para gumanti sa inyo sa mga gawa ninyo.