×

البقرة

Ayah 188

Tafsir Al-Mukhtasar

وَلَا تَأْكُلُوٓا۟ أَمْوَٰلَكُم بَيْنَكُم بِٱلْبَـٰطِلِ وَتُدْلُوا۟ بِهَآ إِلَى ٱلْحُكَّامِ لِتَأْكُلُوا۟ فَرِيقًا مِّنْ أَمْوَٰلِ ٱلنَّاسِ بِٱلْإِثْمِ وَأَنتُمْ تَعْلَمُونَ ﴿١٨٨﴾

Huwag kumuha ang iba sa inyo ng yaman ng iba pa sa inyo sa paraang hindi isinabatas gaya ng pagnanakaw, pangangamkam, at pandaraya. Huwag kayong makipag-alitan hinggil sa mga ito sa mga namamahala upang makakuha kayo ng isang pangkatin mula sa mga yaman ng mga tao habang mga nasasangkot sa pagsuway samantalang kayo ay nakaaalam na si Allāh ay nagbawal niyon sapagkat ang paglalakas-loob sa pagkakasala kalakip ng kaalaman ng pagbabawal rito ay higit na matindi sa kapangitan at higit na mabigat sa kaparusahan.