×

البقرة

Ayah 124

Tafsir Al-Mukhtasar

وَإِذِ ٱبْتَلَىٰٓ إِبْرَٰهِـۧمَ رَبُّهُۥ بِكَلِمَـٰتٍ فَأَتَمَّهُنَّ ۖ قَالَ إِنِّى جَاعِلُكَ لِلنَّاسِ إِمَامًا ۖ قَالَ وَمِن ذُرِّيَّتِى ۖ قَالَ لَا يَنَالُ عَهْدِى ٱلظَّـٰلِمِينَ ﴿١٢٤﴾

Banggitin mo nang sinubok ni Allāh si Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa pamamagitan ng ipinag-utos Niya rito na mga patakaran at mga tungkulin, at nagsagawa naman ito sa mga iyon at lumubos sa [pagsasagawa sa] mga iyon ayon sa pinakaganap na paraan. Nagsabi si Allāh sa propeta Niyang si Abraham: "Tunay na Ako ay gagawa sa iyo para sa mga tao bilang tinutularang tutularan ka sa mga gawa mo at mga kaasalan mo." Nagsabi sa Abraham: "Gumawa Ka, O Panginoon, mula sa mga supling ko ng gayon din bilang mga pinunong tutularan sila ng mga tao." Nagsabi si Allāh, na sumasagot dito: "Hindi sumasakop ang kasunduan sa Akin para sa iyo sa pamumuno sa relihiyon sa mga tagalabag sa katarungan kabilang sa mga supling mo."