Tafsir Al-Mukhtasar
إِنَّآ أَرْسَلْنَـٰكَ بِٱلْحَقِّ بَشِيرًا وَنَذِيرًا ۖ وَلَا تُسْـَٔلُ عَنْ أَصْحَـٰبِ ٱلْجَحِيمِ ﴿١١٩﴾
Tunay na Kami ay nagsugo sa iyo, O Propeta, kalakip ng relihiyong totoo, na walang pag-aalangan hinggil dito, upang magbalita ka nakagagalak sa mga mananampalataya hinggil sa Paraiso at magbabala ka sa mga tagatangging sumampalataya hinggil sa Impiyerno. Walang tungkulin sa iyo kundi ang malinaw na pagpapaabot. Hindi magtatanong sa iyo si Allāh tungkol sa mga hindi sumampalataya sa iyo kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno.