Tafsir Al-Mukhtasar
وَقَالُوا۟ لَن يَدْخُلَ ٱلْجَنَّةَ إِلَّا مَن كَانَ هُودًا أَوْ نَصَـٰرَىٰ ۗ تِلْكَ أَمَانِيُّهُمْ ۗ قُلْ هَاتُوا۟ بُرْهَـٰنَكُمْ إِن كُنتُمْ صَـٰدِقِينَ ﴿١١١﴾
Nagsabi ang bawat pangkat kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano: "Tunay na ang Paraiso ay natatangi sa amin." Nagsabi ang mga Hudyo: "Walang papasok doon kundi ang sinumang Hudyo." Nagsabi ang mga Kristiyano: "Walang papasok doon kundi ang sinumang Kristiyano." Iyon ay mga pinakamimithi nilang bulaan at mga haka-haka nilang tiwali. Sabihin mo, O Propeta, bilang tugon sa kanila: "Magbigay kayo ng katwiran ninyo sa ipinapalagay ninyo kung totoong kayo ay mga tapat sa pinagsasabi ninyo."