×

البقرة

Ayah 108

Tafsir Al-Mukhtasar

أَمْ تُرِيدُونَ أَن تَسْـَٔلُوا۟ رَسُولَكُمْ كَمَا سُئِلَ مُوسَىٰ مِن قَبْلُ ۗ وَمَن يَتَبَدَّلِ ٱلْكُفْرَ بِٱلْإِيمَـٰنِ فَقَدْ ضَلَّ سَوَآءَ ٱلسَّبِيلِ ﴿١٠٨﴾

Hindi bahagi ng nauukol sa inyo, O mga mananampalataya, na humiling kayo sa Sugo ninyo ng hiling ng pagtutol at pang-iinis gaya ng pagkahiling ng mga kalipi ni Moises sa propeta nila bago pa niyan, gaya ng sabi nila (Qur'ān 4:153): "Ipakita mo sa amin si Allāh nang hayagan." Ang sinumang magpapalit ng kawalang-pananampalataya sa pananampalataya ay naligaw nga siya palayo sa gitnang daan, na siyang tuwid na landasin.