Tafsir Al-Mukhtasar
وَأَمَّا ٱلْغُلَـٰمُ فَكَانَ أَبَوَاهُ مُؤْمِنَيْنِ فَخَشِينَآ أَن يُرْهِقَهُمَا طُغْيَـٰنًا وَكُفْرًا ﴿٨٠﴾
Hinggil sa batang lalaking minasama mo sa akin ang pagpatay sa kanya, ang mga magulang niya ay mga mananampalataya at siya naman sa kaalaman ni Allāh ay isang tagatangging sumampalataya. Kaya nangamba kami na kung nagbinata siya ay baka magdala siya sa kanilang dalawa sa kawalang-pananampalataya kay Allāh at pagmamalabis dahil sa kalabisan ng pag-ibig nilang dalawa sa kanya o dahil sa kalabisan ng pangangailangan nilang dalawa sa kanya.