Tafsir Al-Mukhtasar
إِنَّهُمْ إِن يَظْهَرُوا۟ عَلَيْكُمْ يَرْجُمُوكُمْ أَوْ يُعِيدُوكُمْ فِى مِلَّتِهِمْ وَلَن تُفْلِحُوٓا۟ إِذًا أَبَدًا ﴿٢٠﴾
Tunay na ang mga kababayan ninyo, kung makababatid sa inyo at makaalam sa pook ninyo, ay papatay sa inyo sa pamamagitan ng pagpukol ng bato o magpapabalik sa inyo sa kapaniwalaan nilang nakalihis, na kayo dati ay nakabatay roon bago nagmagandang-loob si Allāh sa inyo ng kapatnubayan tungo sa relihiyon ng katotohanan. Kung bumalik kayo roon ay hindi kayo magtatagumpay magpakailanman: hindi sa buhay na pangmundo at hindi sa Kabilang-buhay. Bagkus malulugi kayo sa dalawang ito ng pagkaluging mabigat dahilan sa pag-iwan ninyo sa relihiyon ng katotohanang ipinatnubay sa inyo ni Allāh at sa pagbalik ninyo sa kapaniwalaang nakalihis na iyon."