×

الكهف

Ayah 14

Tafsir Al-Mukhtasar

وَرَبَطْنَا عَلَىٰ قُلُوبِهِمْ إِذْ قَامُوا۟ فَقَالُوا۟ رَبُّنَا رَبُّ ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ لَن نَّدْعُوَا۟ مِن دُونِهِۦٓ إِلَـٰهًا ۖ لَّقَدْ قُلْنَآ إِذًا شَطَطًا ﴿١٤﴾

Nagpalakas Kami sa mga puso nila sa pamamagitan ng pananampalataya, katatagan dito, at pagtitiis sa pag-iwan sa mga tinubuang-bayan, nang tumindig sila habang mga nagpapahayag sa harapan ng haring tagatangging sumampalataya ng pananampalataya nila kay Allāh lamang saka nagsabi sila rito: "Ang Panginoon Naming sinampalatayanan namin at sinamba namin ay ang Panginoon ng mga langit at ang Panginoon ng lupa. Hindi kami sasamba sa anumang iba pa sa Kanya na mga diyos na ipinagpapalagay ayon sa kasinungalingan [dahil] talaga ngang makapagsasabi Kami, kung sumamba Kami sa iba sa Kanya, ng isang pananalitang mapaniil na malayo sa katotohanan."