×

الإسراء

Ayah 99

Tafsir Al-Mukhtasar

أَوَلَمْ يَرَوْا۟ أَنَّ ٱللَّهَ ٱلَّذِى خَلَقَ ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضَ قَادِرٌ عَلَىٰٓ أَن يَخْلُقَ مِثْلَهُمْ وَجَعَلَ لَهُمْ أَجَلًا لَّا رَيْبَ فِيهِ فَأَبَى ٱلظَّـٰلِمُونَ إِلَّا كُفُورًا ﴿٩٩﴾

Hindi ba nakaalam ang mga tagapagkailang ito ng pagkabuhay na si Allāh na lumikha sa mga langit at lupa sa kabila ng kalakihan ng mga ito ay nakakakaya na lumikha ng tulad nila sapagkat ang sinumang nakakaya sa paglikha ng isang malaki ay nakakakaya sa paglikha ng maliit pa roon. Gumawa nga si Allāh para sa kanila sa Mundo ng isang oras na tinakdaan na magwawakas doon ang buhay nila at gumawa Siya para sa kanila ng isang taning para sa pagbubuhay sa kanila, na walang pagdududa hinggil doon. Sa kabila ng paglitaw ng mga patunay sa pagkabuhay, tumanggi [sa anuman] ang mga tagapagtambal maliban sa pagkakaila sa pagkabuhay sa kabila ng kaliwanagan ng mga patunay rito.