×

الإسراء

Ayah 83

Tafsir Al-Mukhtasar

وَإِذَآ أَنْعَمْنَا عَلَى ٱلْإِنسَـٰنِ أَعْرَضَ وَنَـَٔا بِجَانِبِهِۦ ۖ وَإِذَا مَسَّهُ ٱلشَّرُّ كَانَ يَـُٔوسًا ﴿٨٣﴾

Kapag nagbiyaya si Allāh sa tao ng biyayang tulad ng kalusugan at pagkayaman ay umaayaw siya sa pagpapasalamat at pagtalima kay Allāh at nagpapakalayu-layo siya bilang pagpapakamalaki. Kapag may dumapo sa kanya na karamdaman o karalitaan at tulad ng mga ito, siya ay matindi ang kahinaan ng loob at ang kawalang-pag-asa sa awa ni Allāh.