Tafsir Al-Mukhtasar
وَإِن كَادُوا۟ لَيَفْتِنُونَكَ عَنِ ٱلَّذِىٓ أَوْحَيْنَآ إِلَيْكَ لِتَفْتَرِىَ عَلَيْنَا غَيْرَهُۥ ۖ وَإِذًا لَّٱتَّخَذُوكَ خَلِيلًا ﴿٧٣﴾
Talaga ngang kamuntik na ang mga tagapagtambal na magpalihis sa iyo, O Sugo, palayo sa ikinasi Namin sa iyo na Qur'ān upang lumikha-likha ka laban sa Amin ng iba pa rito na umaalinsunod sa mga pithaya nila. Kung sakaling gumawa ka ng ninais nila mula roon, talaga sanang hinirang ka nila bilang minamahal.