×

الإسراء

Ayah 53

Tafsir Al-Mukhtasar

وَقُل لِّعِبَادِى يَقُولُوا۟ ٱلَّتِى هِىَ أَحْسَنُ ۚ إِنَّ ٱلشَّيْطَـٰنَ يَنزَغُ بَيْنَهُمْ ۚ إِنَّ ٱلشَّيْطَـٰنَ كَانَ لِلْإِنسَـٰنِ عَدُوًّا مُّبِينًا ﴿٥٣﴾

Sabihin mo, O Sugo, sa mga lingkod Kong mga nananampalataya sa Akin na sabihin nila ang kaaya-ayang salita kapag nakikipagtalakayan sila at iwasan nila ang masagwang salita na nagpapalayo ng loob dahil ang demonyo ay nagsasamantala nito sapagkat nagpupunyagi siya sa pagitan nila sa anumang nanggugulo sa kanila sa buhay nila sa Mundo at Kabilang-buhay. Tunay na ang demonyo, para sa tao, ay laging isang kaaway na maliwanag ang pangangaway kaya kailangan sa tao na mangilag sa kanya.