Tafsir Al-Mukhtasar
وَلَا تَقْرَبُوا۟ مَالَ ٱلْيَتِيمِ إِلَّا بِٱلَّتِى هِىَ أَحْسَنُ حَتَّىٰ يَبْلُغَ أَشُدَّهُۥ ۚ وَأَوْفُوا۟ بِٱلْعَهْدِ ۖ إِنَّ ٱلْعَهْدَ كَانَ مَسْـُٔولًا ﴿٣٤﴾
Huwag kayong mangasiwa sa yaman ng sinumang namatayan ng ama kabilang sa mga bata malibang ayon sa pinakamaayos para sa kanya gaya ng pagpapalago rito at pangangalaga rito hanggang sa umabot siya sa kalubusan ng isip niya at katinuan niya. Magpatupad kayo sa isang kasunduan sa pagitan ninyo at ni Allāh at sa pagitan ninyo at ng mga lingkod Niya nang walang pagkalas o pagkukulang. Tunay na si Allāh ay magtatanong sa binigyan ng tipan sa Araw ng Pagbangon kung tumupad kaya iyon dito para gumantimpala Siya roon o kung hindi iyon tumupad dito para magparusa Siya roon.