Tafsir Al-Mukhtasar
وَلَا تَقْرَبُوا۟ ٱلزِّنَىٰٓ ۖ إِنَّهُۥ كَانَ فَـٰحِشَةً وَسَآءَ سَبِيلًا ﴿٣٢﴾
Mangilag kayo sa pangangalunya at umiwas kayo sa anumang humihimok dito. Tunay na ito ay laging isang lumalabis-labis sa kapangitan at sumagwa bilang daan dahil sa ipinahahantong nito na pagkalito sa mga kaangkanan at pagdurusang dulot ni Allāh.