×

الإسراء

Ayah 27

Tafsir Al-Mukhtasar

إِنَّ ٱلْمُبَذِّرِينَ كَانُوٓا۟ إِخْوَٰنَ ٱلشَّيَـٰطِينِ ۖ وَكَانَ ٱلشَّيْطَـٰنُ لِرَبِّهِۦ كَفُورًا ﴿٢٧﴾

Tunay na ang mga tagapaggugol ng mga yaman nila sa mga pagsuway at ang mga tagapag-aksaya sa paggugol ay laging mga kapatid ng demonyo. Tumatalima sila sa mga iyon sa ipinag-uutos ng mga iyon sa kanila na pagwawaldas at pag-aaksaya. Ang demonyo sa Panginoon niya ay laging mapagtangging magpasalamat sapagkat hindi gumagawa iyon kundi ng anumang may pagsuway at hindi nag-uutos iyon kundi ng anumang ikinaiinis ng Panginoon niyon.