Tafsir Al-Mukhtasar
مَّن كَانَ يُرِيدُ ٱلْعَاجِلَةَ عَجَّلْنَا لَهُۥ فِيهَا مَا نَشَآءُ لِمَن نُّرِيدُ ثُمَّ جَعَلْنَا لَهُۥ جَهَنَّمَ يَصْلَىٰهَا مَذْمُومًا مَّدْحُورًا ﴿١٨﴾
Ang sinumang naglalayon sa mga gawain ng pagpapakabuti ng buhay na pangmundo at hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay ni nag-uukol doon ng pansin, magpapadali Kami para sa kanya roon ng loloobin Namin mismo, hindi ng loloobin niya mismo na kaginhawahan, para sa sinumang nagnais Kami na gumawa niyon sa kanya. Pagkatapos magtatalaga si Allāh para sa kanya ng Impiyerno, na papasukin niya sa Araw ng Pagbangon upang magdusa sa init niyon bilang pinupulaan dahil sa pagpili niya sa Mundo at kawalang-pananampalataya niya sa Kabilang-buhay at bilang itinataboy mula sa awa Niya.