×

الإسراء

Ayah 111

Tafsir Al-Mukhtasar

وَقُلِ ٱلْحَمْدُ لِلَّهِ ٱلَّذِى لَمْ يَتَّخِذْ وَلَدًا وَلَمْ يَكُن لَّهُۥ شَرِيكٌ فِى ٱلْمُلْكِ وَلَمْ يَكُن لَّهُۥ وَلِىٌّ مِّنَ ٱلذُّلِّ ۖ وَكَبِّرْهُ تَكْبِيرًۢا ﴿١١١﴾

Sabihin mo, O Sugo: "Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang karapat-dapat sa mga uri ng mga papuri, na nagpawalang-kaugnayan sa pagkakaroon ng anak at nagpawalang-kaugnayan sa pagkakaroon ng katambal sapagkat walang katambal sa Kanya sa paghahari Niya at walang dumadapo sa Kanya na kaabahan at pagkahamak, kaya hindi Siya nangangailangan ng mag-aadya sa Kanya at kakatig sa Kanya. Dumakila ka sa Kanya nang maraming pagdakila saka huwag kang mag-ugnay sa kanya ng isang anak ni ng isang katambal sa paghahari ni isang tagapag-adya na tagatulong."