Tafsir Al-Mukhtasar
وَبِٱلْحَقِّ أَنزَلْنَـٰهُ وَبِٱلْحَقِّ نَزَلَ ۗ وَمَآ أَرْسَلْنَـٰكَ إِلَّا مُبَشِّرًا وَنَذِيرًا ﴿١٠٥﴾
Kalakip ng katotohanan nagpababa Kami ng Qur'ān na ito kay Muḥammad – sumakanya ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan – at kalakip ng katotohanan bumaba ito sa kanya nang walang pagpapalit at walang paglilihis. Hindi Kami nagsugo sa iyo, O Sugo, kundi bilang tagapagbalita ng nakalulugod hinggil sa Paraiso sa mga alagad ng pangingilag sa pagkakasala at bilang tagapagpangamba sa Impiyerno sa mga alagad ng kawalang-pananampalataya at pagsuway.