Tafsir Al-Mukhtasar
قَالَ لَقَدْ عَلِمْتَ مَآ أَنزَلَ هَـٰٓؤُلَآءِ إِلَّا رَبُّ ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ بَصَآئِرَ وَإِنِّى لَأَظُنُّكَ يَـٰفِرْعَوْنُ مَثْبُورًا ﴿١٠٢﴾
Nagsabi si Moises bilang tugon kay Paraon: "Talaga ngang natiyak mo, O Paraon, na walang nagpababa sa mga tandang ito kundi si Allāh, ang Panginoon ng mga langit at lupa. Nagpababa Siya sa mga ito bilang mga pagpapatunay sa kakayahan Niya at sa katapatan ng Sugo Niya subalit ikaw ay tumanggi. Tunay na ako ay talagang nakaaalam na ikaw, O Paraon, ay napapahamak na lugi."