×

يوسف

Ayah 94

Tafsir Al-Mukhtasar

وَلَمَّا فَصَلَتِ ٱلْعِيرُ قَالَ أَبُوهُمْ إِنِّى لَأَجِدُ رِيحَ يُوسُفَ ۖ لَوْلَآ أَن تُفَنِّدُونِ ﴿٩٤﴾

Noong nakalabas ang karaban paalis ng Ehipto at humiwalay ito sa kabihasnan mula roon ay nagsabi si Jacob – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa mga anak niya at sinumang nasa piling niya sa lupain niya: "Tunay na ako ay talagang nakaamoy ng amoy ni Jose, kung sakaling hindi kayo nagtuturing ng pagkamangmang sa akin at nag-uugnay sa akin sa pagkahukluban sa pamamagitan ng pagsabi ninyo: Ito ay matandang hukluban, na nagsasabi ng hindi niya nalalaman."