×

يوسف

Ayah 77

Tafsir Al-Mukhtasar

قَالُوٓا۟ إِن يَسْرِقْ فَقَدْ سَرَقَ أَخٌ لَّهُۥ مِن قَبْلُ ۚ فَأَسَرَّهَا يُوسُفُ فِى نَفْسِهِۦ وَلَمْ يُبْدِهَا لَهُمْ ۚ قَالَ أَنتُمْ شَرٌّ مَّكَانًا ۖ وَٱللَّهُ أَعْلَمُ بِمَا تَصِفُونَ ﴿٧٧﴾

Nagsabi ang mga kapatid ni Jose: "Kung nagnakaw siya ay walang kataka-taka sapagkat nagnakaw na ang isang kapatid niyang buo bago ng pagnanakaw niya mismo." Tumutukoy sila kay Jose – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ngunit nagkubli si Jose ng pagkasakit ng damdamin niya sa pinagsasabi nilang ito at hindi siya naglantad nito sa kanila. Nagsabi siya sa kanila sa sarili niya: "Ang taglay ninyong inggit at paggagawa ng kasagwaan na nauna na mula sa inyo ay ang kasamaan mismo sa kalagayang ito. Si Allāh –pagkataas-taas Siya – ay higit na maalam sa paggawa-gawang ito [ng kasinungalingan] na namumutawi mula sa inyo."