×

يوسف

Ayah 70

Tafsir Al-Mukhtasar

فَلَمَّا جَهَّزَهُم بِجَهَازِهِمْ جَعَلَ ٱلسِّقَايَةَ فِى رَحْلِ أَخِيهِ ثُمَّ أَذَّنَ مُؤَذِّنٌ أَيَّتُهَا ٱلْعِيرُ إِنَّكُمْ لَسَـٰرِقُونَ ﴿٧٠﴾

Kaya noong nakapag-utos si Jose sa mga tagapaglingkod niya ng pagkarga ng pagkain sa mga kamelyo ng mga kapatid niya, inilagay niya ang pantakal ng hari na ipinantatakal sa pagkain para sa mga mamimili ng pagkain sa lalagyan ng kapatid niyang buo nang walang kaalaman nila upang magtagumpay sa pagpapanatili rito kasama sa kanya. Noong nakalisan sila pauwi sa mag-anak nila ay may nanawagang isang tagapanawagang nakasunod sa bakas nila: "O mga may-ari ng mga kamelyong kinargahan ng mga panustos, tunay na kayo ay talagang mga magnanakaw."