×

يوسف

Ayah 63

Tafsir Al-Mukhtasar

فَلَمَّا رَجَعُوٓا۟ إِلَىٰٓ أَبِيهِمْ قَالُوا۟ يَـٰٓأَبَانَا مُنِعَ مِنَّا ٱلْكَيْلُ فَأَرْسِلْ مَعَنَآ أَخَانَا نَكْتَلْ وَإِنَّا لَهُۥ لَحَـٰفِظُونَ ﴿٦٣﴾

Kaya noong bumalik sila sa ama nila at nagsalaysay roon ng nangyaring pagpaparangal ni Jose sa kanila ay nagsabi sila: "O ama namin, ipagkakait sa amin ang pagtatakal kung hindi namin dadalhin ang kapatid namin kasama namin kaya ipadala mo po siya kasama namin sapagkat tunay na kung ikaw ay magpapadala sa kanya kasama namin, tatakalan kami ng pagkain. Tunay na kami ay nangangako sa iyo ng pag-iingat sa kanya hanggang sa bumalik siya sa iyo nang ligtas."