×

يوسف

Ayah 58

Tafsir Al-Mukhtasar

وَجَآءَ إِخْوَةُ يُوسُفَ فَدَخَلُوا۟ عَلَيْهِ فَعَرَفَهُمْ وَهُمْ لَهُۥ مُنكِرُونَ ﴿٥٨﴾

Sumapit ang mga kapatid ni Jose sa Lupain ng Ehipto na may dalang paninda nila. Saka pumasok sila sa kanya, saka nakakilala siya na sila ay mga kapatid niya samantalang hindi sila nakakilala na siya ay kapatid nila, dahil sa tagal ng panahon at pagbabago ng anyo niya dahil siya noon ay isang bata nang itinapon nila sa balon.