×

يوسف

Ayah 4

Tafsir Al-Mukhtasar

إِذْ قَالَ يُوسُفُ لِأَبِيهِ يَـٰٓأَبَتِ إِنِّى رَأَيْتُ أَحَدَ عَشَرَ كَوْكَبًا وَٱلشَّمْسَ وَٱلْقَمَرَ رَأَيْتُهُمْ لِى سَـٰجِدِينَ ﴿٤﴾

Nagpapabatid Kami sa iyo, O Sugo, nang nagsabi si Jose sa ama niyang si Jacob: "O ama ko, tunay na ako ay nakakita sa panaginip ng labing-isang tala. Nakita ko ang araw at ang buwan; nakita ko ang lahat ng iyon na sa harap ko ay mga nakapatirapa." Ang panaginip na ito ay isang maagang balitang nakagagalak para kay Jose – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan.