×

يوسف

Ayah 31

Tafsir Al-Mukhtasar

فَلَمَّا سَمِعَتْ بِمَكْرِهِنَّ أَرْسَلَتْ إِلَيْهِنَّ وَأَعْتَدَتْ لَهُنَّ مُتَّكَـًٔا وَءَاتَتْ كُلَّ وَٰحِدَةٍ مِّنْهُنَّ سِكِّينًا وَقَالَتِ ٱخْرُجْ عَلَيْهِنَّ ۖ فَلَمَّا رَأَيْنَهُۥٓ أَكْبَرْنَهُۥ وَقَطَّعْنَ أَيْدِيَهُنَّ وَقُلْنَ حَـٰشَ لِلَّهِ مَا هَـٰذَا بَشَرًا إِنْ هَـٰذَآ إِلَّا مَلَكٌ كَرِيمٌ ﴿٣١﴾

Kaya noong nakarinig ang maybahay ng Makapangyarihan sa pagmamasama nila rito at panlilibak nila rito, nagpadala ito sa kanila ng paanyaya sa kanila upang makita nila si Jose para humingi sila ng paumanhin dito. Naghanda ito para sa kanila ng isang lugar na may mga supa at mga unan. Nagbigay ito sa bawat isa mula sa mga babaing inanyayahan ng isang kutsilyong ipanghihiwa sa pagkain. Nagsabi ito kay Jose – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Lumabas ka sa kinaroroonan nila." Kaya noong nakatingin sila sa kanya ay dumakila sila sa kanya. Nagulat sila sa kakisigan niya at namangha sila sa ganda niya. Dahil sa tindi ng pagkamangha sa kanya, nasugatan nila ang mga kamay nila ng mga kutsilyong inihanda para sa paghiwa sa pagkain. Nagsabi sila: "Nagpawalang-kapintasan si Allāh! Ang binatang ito ay hindi isang mortal sapagkat ang taglay niya na kagandahan ay hindi nalaman sa mortal. Walang iba siya kundi isang anghel na marangal kabilang sa mga anghel na mararangal!"