×

يونس

Ayah 93

Tafsir Al-Mukhtasar

وَلَقَدْ بَوَّأْنَا بَنِىٓ إِسْرَٰٓءِيلَ مُبَوَّأَ صِدْقٍ وَرَزَقْنَـٰهُم مِّنَ ٱلطَّيِّبَـٰتِ فَمَا ٱخْتَلَفُوا۟ حَتَّىٰ جَآءَهُمُ ٱلْعِلْمُ ۚ إِنَّ رَبَّكَ يَقْضِى بَيْنَهُمْ يَوْمَ ٱلْقِيَـٰمَةِ فِيمَا كَانُوا۟ فِيهِ يَخْتَلِفُونَ ﴿٩٣﴾

Talaga ngang nagpatuloy si Allāh sa mga anak ni Israel sa isang tuluyang napupuri at isang lugar na kinalulugdan sa pinagpalang bayan ng Shām. Nagtustos Siya sa kanila mula sa ipinahihintulot na kaaya-ayang bagay, saka hindi sila nagkaiba-iba sa usapin ng relihiyon hanggang sa dumating sa kanila ang Qur'ān bilang tagapatotoo sa nabasa nila sa Torah na katangian ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Ngunit noong tumutol sila roon ay inagaw ang mga bayan nila. Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay hahatol sa pagitan nila sa Araw ng Pagbangon sa anumang dati silang nagkakaiba-iba hinggil doon para gumanti Siya sa nagsasakatotohanan at nagsasakabulaanan kabilang sa kanila dahil sa anumang nagiging karapat-dapat sa bawat isa mula sa dalawang [uring] ito.