×

يونس

Ayah 81

Tafsir Al-Mukhtasar

فَلَمَّآ أَلْقَوْا۟ قَالَ مُوسَىٰ مَا جِئْتُم بِهِ ٱلسِّحْرُ ۖ إِنَّ ٱللَّهَ سَيُبْطِلُهُۥٓ ۖ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُصْلِحُ عَمَلَ ٱلْمُفْسِدِينَ ﴿٨١﴾

Kaya noong naghagis sila ng taglay nila na panggagaway ay nagsabi sa kanila si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Ang pinalitaw ninyo ay ang panggagaway. Tunay na si Allāh ay gagawa sa niyari ninyo bilang walang-saysay na walang bisa. Tunay na kayo, dahil sa panggagaway ninyo, ay mga tagatiwali sa lupa. Si Allāh ay hindi nagsasaayos sa gawa ng sinumang naging tagatiwali.