Tafsir Al-Mukhtasar
فَإِن تَوَلَّيْتُمْ فَمَا سَأَلْتُكُم مِّنْ أَجْرٍ ۖ إِنْ أَجْرِىَ إِلَّا عَلَى ٱللَّهِ ۖ وَأُمِرْتُ أَنْ أَكُونَ مِنَ ٱلْمُسْلِمِينَ ﴿٧٢﴾
Ngunit kung nangyaring kayo ay umayaw nga sa paanyaya ko, nalaman na ninyo na ako ay hindi humiling mula sa inyo ng isang ganti dahil sa pagpapaabot sa inyo ng pasugo ng Panginoon ko. Walang gantimpala sa akin kundi nasa kay Allāh, sumampalataya man kayo sa akin o tumanggi kayong sumampalataya. Nag-utos sa akin si Allāh na ako ay maging kabilang sa mga nagpapaakay sa Kanya sa pagtalima at gawang maayos."