×

يونس

Ayah 60

Tafsir Al-Mukhtasar

وَمَا ظَنُّ ٱلَّذِينَ يَفْتَرُونَ عَلَى ٱللَّهِ ٱلْكَذِبَ يَوْمَ ٱلْقِيَـٰمَةِ ۗ إِنَّ ٱللَّهَ لَذُو فَضْلٍ عَلَى ٱلنَّاسِ وَلَـٰكِنَّ أَكْثَرَهُمْ لَا يَشْكُرُونَ ﴿٦٠﴾

Aling bagay ang ipinagpapalagay ng mga lumilikha-likha ng kasinungalingan laban sa Kanya na magaganap sa kanila sa Araw ng Pagbangon? Nagpapalagay ba sila na magpapatawad Siya sa kanila? Malayong mangyari! Tunay na si Allāh ay talagang may pagmamagandang-loob sa mga tao dahil sa pagpapalugit sa kanila at hindi pagmamadali sa kanila sa kaparusahan, subalit ang higit na marami sa kanila ay mga nagkakaila sa mga biyaya ni Allāh sa kanila kaya hindi sila nagpapasalamat sa mga ito.