Tafsir Al-Mukhtasar
وَمِنْهُم مَّن يَسْتَمِعُونَ إِلَيْكَ ۚ أَفَأَنتَ تُسْمِعُ ٱلصُّمَّ وَلَوْ كَانُوا۟ لَا يَعْقِلُونَ ﴿٤٢﴾
Kabilang sa mga tagapagtambal ang nakikinig sa iyo, O Sugo, kapag bumigkas ka ng Qur'ān, ayon sa pakikinig na hindi nakaugnay sa pagtanggap at pagpapasakop. Ngunit ikaw ba ay nakakakaya sa pagpapakinig sa sinumang inalisan ng pandinig? Kaya sa gayon hindi ka nakakakaya sa pagpapatnubay sa mga nabinging ito sa pakikinig sa katotohanan sapagkat hindi sila nakapag-uunawa nito.