Tafsir Al-Mukhtasar
إِلَيْهِ مَرْجِعُكُمْ جَمِيعًا ۖ وَعْدَ ٱللَّهِ حَقًّا ۚ إِنَّهُۥ يَبْدَؤُا۟ ٱلْخَلْقَ ثُمَّ يُعِيدُهُۥ لِيَجْزِىَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ وَعَمِلُوا۟ ٱلصَّـٰلِحَـٰتِ بِٱلْقِسْطِ ۚ وَٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ لَهُمْ شَرَابٌ مِّنْ حَمِيمٍ وَعَذَابٌ أَلِيمٌۢ بِمَا كَانُوا۟ يَكْفُرُونَ ﴿٤﴾
Tungo sa Kanya lamang ang pagbabalik ninyo sa Araw ng Pagbangon upang gumanti Siya sa inyo sa mga gawa ninyo. Nangako si Allāh sa mga tao niyon ayon sa isang pangakong tapat na hindi Siya sisira roon. Tunay na Siya ay nakakakaya niyon. Nagsisimula Siya ng pagpapairal sa nilikha ayon sa walang naunang kahalintulad. Pagkatapos nag-uulit Siya nito matapos ng kamatayan nito. [Ito ay] upang gumanti Siya – kaluwalhatian sa Kanya – sa mga sumampalataya sa Kanya at gumawa ng mga gawang maayos ayon sa katarungan sapagkat hindi Siya nagbabawas mula sa mga magandang gawa nila at hindi Siya nagdaragdag sa mga masagwang gawa nila. Ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya ay magkakaroon ng isang inumin mula sa tubig na pinalabis-labis ang init na magpuputul-putol sa mga bituka nila, at magkakaroon ng isang pagdurusang nakasasakit dahilan sa kawalang-pananampalataya nila sa Kanya at sa mga sugo Niya.