×

يونس

Ayah 34

Tafsir Al-Mukhtasar

قُلْ هَلْ مِن شُرَكَآئِكُم مَّن يَبْدَؤُا۟ ٱلْخَلْقَ ثُمَّ يُعِيدُهُۥ ۚ قُلِ ٱللَّهُ يَبْدَؤُا۟ ٱلْخَلْقَ ثُمَّ يُعِيدُهُۥ ۖ فَأَنَّىٰ تُؤْفَكُونَ ﴿٣٤﴾

Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Kabilang kaya sa gitna ng mga pantambal ninyo na sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh ang nagpapaumpisa ng paglikha nang walang pagkakatulad na nauna, pagkatapos magbubuhay Siya nito matapos ng kamatayan nito?" Sabihin mo sa kanila: "Si Allāh ay nagpapaumpisa ng paglikha nang walang pagkakatulad na nauna, pagkatapos magbubuhay Siya nito matapos ng kamatayan nito. Kaya papaano kayong nalilihis, O mga tagapagtambal, palayo sa katotohanan patungo sa kabulaanan?"