×

يونس

Ayah 23

Tafsir Al-Mukhtasar

فَلَمَّآ أَنجَىٰهُمْ إِذَا هُمْ يَبْغُونَ فِى ٱلْأَرْضِ بِغَيْرِ ٱلْحَقِّ ۗ يَـٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ إِنَّمَا بَغْيُكُمْ عَلَىٰٓ أَنفُسِكُم ۖ مَّتَـٰعَ ٱلْحَيَوٰةِ ٱلدُّنْيَا ۖ ثُمَّ إِلَيْنَا مَرْجِعُكُمْ فَنُنَبِّئُكُم بِمَا كُنتُمْ تَعْمَلُونَ ﴿٢٣﴾

Ngunit noong tumugon Siya sa panalangin nila at sumagip Siya sa kanila mula sa pagsubok na iyon biglang sila ay nagtitiwali sa lupa sa pamamagitan ng paggawa ng kawalang-pananampalataya, mga pagsuway, at mga kasalanan. Magkamalay kayo, O mga tao. Ang masamang kahihinatnan ng pananampalasan ninyo ay laban sa mga sarili ninyo lamang sapagkat si Allāh ay hindi napipinsala ng pananampalasan ninyo. Nagtatamasa kayo nito sa buhay na pangmundo gayong ito ay maglalaho. Pagkatapos tungo sa Amin ang pagbabalik ninyo sa Araw ng Pagbangon saka magpapabatid Kami sa inyo hinggil sa dati ninyong ginagawa na mga pagsuway at gaganti Kami sa inyo dahil doon.