Tafsir Al-Mukhtasar
أَكَانَ لِلنَّاسِ عَجَبًا أَنْ أَوْحَيْنَآ إِلَىٰ رَجُلٍ مِّنْهُمْ أَنْ أَنذِرِ ٱلنَّاسَ وَبَشِّرِ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓا۟ أَنَّ لَهُمْ قَدَمَ صِدْقٍ عِندَ رَبِّهِمْ ۗ قَالَ ٱلْكَـٰفِرُونَ إِنَّ هَـٰذَا لَسَـٰحِرٌ مُّبِينٌ ﴿٢﴾
Naging isang motibo ba para sa mga tao sa pagtataka-taka na nagpababa ng pagkakasi sa isang lalaking kabilang sa lahi nila habang nag-uutos sa kanya na magbigay-babala sa kanila laban sa pagdurusa mula kay Allāh? Magpabatid ka, O Sugo, sa mga sumampalataya kay Allāh ng magpapatuwa sa kanila, na ukol sa kanila ay antas na mataas bilang ganti sa ipinagpauna nila na gawang maayos sa ganang Panginoon nila – kaluwalhatian sa Kanya. Nagsabi naman ang mga tagatangging sumampalataya: "Tunay na itong lalaking naghatid ng mga talatang ito ay talagang isang manggagaway na hayag ang panggagaway."