×

يونس

Ayah 108

Tafsir Al-Mukhtasar

قُلْ يَـٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ قَدْ جَآءَكُمُ ٱلْحَقُّ مِن رَّبِّكُمْ ۖ فَمَنِ ٱهْتَدَىٰ فَإِنَّمَا يَهْتَدِى لِنَفْسِهِۦ ۖ وَمَن ضَلَّ فَإِنَّمَا يَضِلُّ عَلَيْهَا ۖ وَمَآ أَنَا۠ عَلَيْكُم بِوَكِيلٍ ﴿١٠٨﴾

Sabihin mo, O Sugo: "O mga tao, dumating nga sa inyo ang Qur'ān bilang isang pinababa mula sa Panginoon ninyo. Kaya ang sinumang napatnubayan at sumampalataya rito, ang pakinabang niyon ay babalik sa kanya dahil si Allāh ay Walang-pangangailangan sa pagtalima ng mga lingkod Niya; at ang sinumang naligaw, tunay na ang epekto ng pagkaligaw niya ay laban sa kanya lamang sapagkat si Allāh ay hindi napipinsala ng pagsuway ng mga lingkod Niya. Hindi ako sa inyo isang mapag-ingat na nag-iingat sa mga gawa ninyo at magtutuos sa inyo sa mga ito."